Proseso sa pagpasok sa witness protection program ng mga testigo sa pagpaslang kay Iraseth Pharma CEO Eduardo Tolosa Jr., sinimulan na

Inihahanda na ang aplikasyon para makapasok sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) ang mga testigo sa pagpaslang kay Iraseth Pharma Chief Executive Officer Eduardo Tolosa Jr.

Sinabi ni Atty. Harry Roque, abogado ng pamilya ng biktima, na may limang suspek ang umamin na sila ang sumunog at naglibing sa labi ni Tolosa.

Noong Lunes, sinampahan na ng PNP Anti-Kidnapping Group ng mga reklamong murder, arson, at kidnapping for ransom ang 11 indibiduwal na dawit sa krimen.


Pangunahin sa kinasuhan ang isang Carlo Cadampog na sinasabing casino card dealer.

Ayon kay Roque, si Cadampog ang itinuro ng mga testigo na kasama ni Tolosa noong July 19 na araw nang mawala ito.

Si Cadampog din aniya ang idiniin ng mga testigo na nagbayad sa kanila para ilibing at sunugin sa loob ng tatlong araw ang labi ng pharma executive.

Facebook Comments