Mga negosyante sa thailand haharapin ni Pangulong Duterte, 34th ASEAN Summit magsisimula na ngayong araw

Puno ang schedule ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw dito sa Bangkok Thailand para sa kanyang pagdalo sa 34th Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit.

Batay sa official schedule ng Pangulo ay magsisimula ang mga aktibidad ng Pangulo mamayang alas 2 ng hapon kung saan ay haharapin ng Pangulo ang mga negosyante ng Thailand kung saan ay iimbitahan ng Pangulo ang mga ito na mamuhunan sa bansa.

Pasado alas 3 ng hapon mamaya ay inaasahang dadalo ang Pangulo sa ASEAN Leaders interface kasama ang mga kinatawan ng ASEAN Inter-Parliament Assembly.


Dadaluhan din ni Pangulong Duterte ang ASEAN Leaders Interface kasama ang mga kinatawan ng ASEAN Youth.

Pasado alas4 ng hapon mamaya ay inaasahan din ang Pangulo sa ASEAN Leaders interface kasama ang mga kinatawan ng ASEAN Business Advisory Council.

Alas 5 ng hapon ay dadalo na si Pangulong Duterte sa 34th ASEAN Summit Plenary kung saan ay makakapulong na ng Pangulo ang mga leaders ng mga bansang miyembro ng ASEAN.

Bukod dito, ngayong araw rin nakatakda ang bilateral meeting sa pagitan ng Pangulo at ni Indonesian President Joko Widodow.

Batay din sa impormasyong nakarating sa Media ay magkakaroon ng bilateral meeting si Pangulong Duterte kay Indonesian President Joko Widodo.

Facebook Comments