Magbibigay ng loan at livelihood assistance ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga maliliit na negosyante na apektado ng pagputok ng bulkang taal.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez – nasa 50 million pesos ang halaga ng loan na pwede nilang ibigay sa mga apektadong negosyo.
Nagbibigay na rin sila ng ₱7,000 hanggang ₱10,000 cash grant.
Hindi naman binanggit ni Lopez kung ano ang terms para sa pagbabayad ng loan.
Bago ito, nagbigay na ang Department of Agriculture (DA) ng 25,000 pesos na loan para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda na pwedeng bayaran ng tatlong taon na walang interest.
Facebook Comments