Tila mas pinapaboran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyanteng Chinese kumpara sa mga Pilipinong manggagawa ayon sa Kilusang Mayo Uno.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni KMU Secretary General Jerome Adonis na ito ang naging pahayag noon ng Pangulo kung kaya’t hindi magawang tapusin ang endo.
Kasunod nito, sinabi ni Adonis na makatarungan lamang na humiling sila na gawing regular ang mga manggagawa lalo na’t sila naman ang nagsisilbing economic frontliners.
Ipinunto pa ni Adonis na hindi biro ang kinakailangang gastusin tuwing maghahanap ng bagong trabaho ang mga empleyadong natapos na ang kontrata.
Matatandaang 2019 nang i-veto ni Pangulong Duterte ang Security of Tenure bill na layon sanang tapusin ang sistema ng kontraktwalisasyon sa bansa.