Mga negosyanteng mananamantala sa gitna ng COVID-19, agad na pina-a-aresto

71

Nanawagan si Quezon City Representative Precious Castelo sa mga otoridad na arestuhin ang mga mapagsamantalang mga negosyante na nag-ooverpriced at nagho-hoard ng face masks, alcohol at Personal Protective Equipment (PPE).

Ito ay kasunod ng reklamo ng mga opisyal ng Lung Center of the Philippines na ang presyo ng kada piraso ng PPE na nagkakalaga lang dapat ng P500 ay ibinebenta ng P3,000 sa blackmarket.


Giit ni Castelo, iligal ang overpricing, profiteering at hoarding lalo na ngayong deklarado ang public health emergency.

Ayon sa kongresista, kaya namang matukoy ng DTI at Customs ang mga negosyanteng ito mapa-local manufacturers o importers.

Bukod sa Lung Center, dumadaing na rin ang Philippine General Hospital at iba pang ospital ng kawalan ng PPE.

Ipinunto ni Castelo na available naman ang mga produktong ito, pero halos anim na beses na mas mahal sa orihinal na presyo dahil sa pananamantala ng ilan.

Facebook Comments