Mga negosyong nagsara bunsod ng COVID-19, umabot na sa 30% ayon sa DTI

Umabot na sa 30% ang mga negosyong nagsara dahil sa nararanasang krisis bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, wala pang kasiguraduhan kung tuluyan o pansamantala lang ang pagsasara ng mga negosyo dahil sa liit ng kinikita ng kanilang produkto sa gitna ng pandemya.

Sa ngayon, 20% ng mga negosyo sa bansa ang fully operational habang 50% naman ang muling nagbukas.


Sa kabila nito, aalamin ng DTI ang mga negosyong napinsala na nagresulta sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa ni Lopez, dapat ay ipakita ng bawat Pilipino, partikular ng mga negosyante ang pagtutulungan para muling makabangon ang ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments