Mga ni-relocate na pamilyang Manileño, nakatanggap pa rin ng food box mula sa Manila LGU

Pinadalhan pa rin ng Manila City Government ng COVID-19 Food Security Program o FSP food box ang mga residente nito na ni-relocate o inilipat ng tahanan sa ilang kalapit na probinsya.

Ayon sa Department of Public Services, ngayong buwan ay nakumpleto na ang paghahatid ng FSP food boxes sa mga pamilyang kasamang na-relocate.

Kabilang dito ang mga pamilya mula sa Maynila na naninirahan na ngayon sa Naic, Cavite na nabigyan ng Manila Local Government Unit (LGU) ng 800 food boxes.


1,400 food boxes naman ang ipinagkaloob ng lokal na pahalaan sa mga relocated families sa Pandi, Bulacan.

650 food boxes naman ang ibinigay ng Manila LGU sa mga pamilyang inilipat sa Norzagaray, Bulacan.

Ang COVID-19 Food Security Program ay inilunsad ni Manila Mayor Isko Moreno kung saan buwan-buwan na bibigyan ng food boxes ang 700,000 pamilya sa lungsod para walang makaranas ng gutom ngayong pandemya.

Facebook Comments