Pinasimulan na ng COMELEC ang mga aktibidad para sa local source code review ng automated election system.
Sa isinagawang kick off activity sa Diamond hotel, sinabi ni Director Eden Bolo ng information technology department ng COMELEC, na layon nito na matiyak sa publiko na ang machine at source code ay error free at malinis sa malicious code.
Sinabi naman ni Atty. Ivan Uy, Representative ng Joint Oversight Committee on the Automated Election System, hindi na lamang ang source code ang susuriin upang matiyak na hindi na maulit ang 7-hour glitch noong 2016 elections.
Dulot aniya ito ng pagbara ng mga data mula sa translator ng data na natanggap mula sa voting counting machine patungong transparency server.
Kabilang sa pinakabagong enhancement ay ang pagsama sa mga non software related aspects sa gagawing local source code review.
Kasama sa components na ire-review ay ang printing ng ballots at security ng transmission ng election results.
Ipatutupad na rin ang DICT digital signature para sa mga electoral board and board of canvassers.
Bukas ay isasagawa ang orientation sa mga reviewer ng local source code.
Ang local source code activity ay magtatagal hanggang March 31, 2022.