Mga nurse na nagpakita ng kabayanihan nang masunog ang ilang bahagi ng PGH, pinuri ni Senator De Lima

Pinuri at sinaluduhan ni Opposition Senator Leila de Lima ang tapang at kabayanihan na ginawa ng mga nurse at iba pang healthcare workers sa pagligtas sa 35 sanggol mula sa sunog na naganap sa bahagi ng Philippine General Hospital (PGH).

Diin ni De Lima, tunay silang mga bayani na hindi inalintana ang panganib mailigtas lang mga sanggol sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU) na karamihan ay naka-ventilators.

Sa kanyang social media post, kinuwento ng nurse na si Kathrina Bianca Macababbad na noong una ay naiiyak na siya dahil mga baby na walang oxygen support lang ang una nilang na i-evacuate at maiiwan ang mga naka-hook sa ventilator.


Pero sabi ni Katrina, ng makita nila na medyo clear pa ang daanan agad silang bumalik ng kasamahan niya na si Jomar Mallari para magbaba pa ng babies at mga emergency equipment.

Ipinamaglaki ni Katrina ang lahat ng mga kasamahan niyang naka-duty na kahit walang instructions ay mabilis tumulong at may kanya-kanya ginawa tulad ng pagbabantay sa mga sangol na nailikas na.

Kaugnay nito ay umapela naman ng tulong si De Lima sa publiko para sa mga may sakit na babies na ngangailangan ng donasyong breastmilk, diapers, wet wipes, diaper rash cream at pera na maaaring idaan sa PGH Medical Foundation.

Facebook Comments