Umapela ang Philippine Hospitals Association na i-deploy sa mga pribadong ospital ang mga nurse na nagtatrabaho sa mga ahensya ng gobyerno at nakatalaga sa non-nursing job.
Sinabi ito ng Presidente ng asosasyon na si Dr. Jaime Almora sa pagdinig ng Committee on Economic Affairs na pinamumunuan ni Senator Imee Marcos.
Ayon kay Almora, maaaring makatulong sa mga pribadong ospital ang tinatayang 9,000 mga nurse na nasa Philippine National Police (PNP) bukod pa sa mga nurse na nasa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Dr. Almora, kulang na kulang sila ngayon sa nurses dahil marami ang nagkakasakit o naka-quarantine dahil nag-aalaga ng COVID-19 patients at marami rin ang lumipat sa gobyerno dahil mas malaki ang sweldo.
Facebook Comments