Mga Obispo at Arsobispo, hinimok ng CBCP na magsagawa ng tatlong araw na panalangin

Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang lahat ng Arsobispo at Obispo sa bansa na magsagawa ng tatlong araw na matinding panalangin.

Sa liham ni CBCP President at Kalookan Bishop Virgilio Pablo David, tatlong araw na intense prayer ang gagawin ng Simbahang Katoliko mula bukas, Mayo 8 hanggang 10.

Base na rin aniya ito sa kahilingan ng mga mananampalataya kaugnay sa idaraos na halalan sa Lunes.


Inirekomenda rin ng pangulo ng CBCP ang pananatiling bukas ng lahat na simbahan kasama na ang Banal na Sakramento sa nasabing mga petsa.

Magkakaroon aniya ng vigil sa mga simbahan kung saan magkakaroon ng pagrorosaryo at pagdarasal ng Oratio Imperata para sa eleksyon.

Isinusulong din ni Bishop David na patunugin nang walang tigil ang mga kampana sa loob ng sampung minuto pagsapit ng alas-6:00 ng umaga sa Lunes, May 9 kasabay ng pagbubukas ng mga presinto para sa botohan.

Layon nito na paalalahanan at himukin ang mga botante na lumabas at gampanan ang kanilang tungkulin na bumoto.

Facebook Comments