Mga official Facebook accounts ng AFP nanatili; Pamunuan ng AFP, iginiit na hindi nagpapakalat ng fake news

Gumagana pa rin ang mga official Facebook accounts ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo matapos ang pahayag ni Nathaniel Gleicher, Head ng Facebook security policy na may mahigit 150 pekeng Facebook accounts na nakabase sa China at mina-manage umano ng mga tao na konektado sa police at military agencies.

Ayon kay Arevalo, sa ngayon wala pa silang impormasyon kung anong mga Facebook account ang binura o inalis na Facebook na may link sa AFP.


Pero hiniling ni AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay sa Facebook Policy team na i-review ang kanilang mga pulisiya sa pagbura ng mga FB accounts.

Nalaman kasi ng AFP na ang batayan ng FB sa pagbura ay ang behavior lamang ng FB post at hindi sa content nito.

Partikular na concern ng AFP ay pagbura sa FB account ng Hands Off our Children (HOOC) na ang adbokasiya ay pareho sa AFP.

Habang nilinaw naman ni Major Generak Arevalo na ang FB account ni Captain Alexandre na Kalinaw news ay hindi official FB ng AFP sa halip personal FB ni Capt. Cabales na hindi naman nakikitaan ng paglabag sa kanilang mga polisiya.

Giit ni Arevalo, hindi kailanman nagpapakalat ng fake news ang AFP.

Facebook Comments