Tatlong turista at isang Pilipino na nagmula sa South Africa, nagnegatibo sa COVID-19

77

Nagnegatibo sa RT-PCR test ang tatlong South African at isang Returning Overseas Filipino (ROFs) na dumating sa bansa bago pa man magpatupad ang Pilipinas ng travel ban dahil sa banta ng Omicron variant.

Una nang sinabi ng Bureau of Quarantine na kinakailangan pa rin nilang tapusin ang 14 days na mandatory quarantine kahit wala silang nararanasang sintomas ng COVID-19.

Dumating ang mga ito sa pilipinas noong Nobyembre 24 at Nobyembre 26 at pawang mga fully vaccinated na.


Samantala, patuloy naman ang ginagawang contact tracing ng pamahalaan sa kanilang mga nakasalamuha nang dumating dito sa bansa.

Facebook Comments