Mga OFW mula Lebanon, pinatitiyak na makakabalik agad sa normal ang pamumuhay dito sa bansa

Pinatitiyak ni Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Migrant Workers (DMW) na makababalik sa normal na pamumuhay ang mga OFW mula Lebanon na nakatakdang i-repatriate sa Pilipinas.

Ang patuloy na pagpapauwi ng pamahalaan sa mga OFW sa Lebanon ay sa gitna na rin ng geopolitical tensions na nangyayari ngayon sa gitnang silangan.

Ayon kay Gatchalian, kabilang sa suportang dapat na maibigay ng ahensya ay access medical at psychological support para matugunan ang trauma, stress, at iba pang pisikal na hamon na maaaring maranasan na mangangailangan ng specialized treatment.


Mahalaga rin aniya ang pagkakaroon ng reintegration efforts tulad ng livelihood programs, job opportunities, at skills training para mapahusay ang paghahanap ng trabaho at ang pagbabalik sa workforce ng bansa.

Punto ng senador, responsibilidad ng pamahalaan na tiyaking makatatanggap ng suporta ang mga OFW sa kanilang pagbabalik bansa.

Facebook Comments