34 na Indonesian Nationals, na-rescue ng PAOCC sa Pasay City

Sa isinagawang operasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na-rescue ang 34 na Indonesian nationals na ikinulong ng kanilang Chinese na boss sa isang gusali sa Pasay City.

Nakipag-ugnayan ang PAOCC sa Indonesian Embassy, kasama ang Southern Police District upang ma-rescue ang mga nasabing dayuhan.

Inaresto ng awtoridad ang dalawang Chinese boss, habang magsasampa ng kaso ang 13 Indonesian nationals laban sa mga Chinese suspek.


Nasa PAOCC Custodial Facility muna ang mga Indonesian nationals para sa pagsasaayos ng kanilang immigration biometrics.

Facebook Comments