Mga OFW na balik-Pinas at nais mag-negosyo, maaring umutang ng hanggang P100k – DTI

Sa tulong ng bagong programa ng pamahalaan, maaring humiram ng hanggang P100,000 ang mga umuwing overseas Filipino worker (OFW) na nais magsimula ng anumang negosyo.

Layon ng proyektong “Helping the Economy Recover Through OFW Enterprise Start-up” (HEROES) ng Small Business Corporation ng Department of Trade and Industry (DTI) na tulungan ang libu-libong kababayan na naapektuhan ang trabaho dulot ng COVID-19 pandemic.

Puwedeng umutang mula P10,000 hanggang P100,000 ang isang OFW at wala itong interes.


Para makasali sa proyekto, dapat munang magparehistro sa website ng Philippine Trade Training Center. Kailangan din magsumite ng mga requirements kagaya ng application form, sertipikasyon ng repatriation, government ID at dokumento mula sa Overseas Workers Welfare Administration certification.

Naglaan ang gobyerno ng P100 milyong pondo sa kalulunsad lamang na programa.

 

Facebook Comments