Mga OFW na naapektuhan ng COVID-19 sa buong mundo, umabot sa 343,000

Aabot sa 343,000 mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa buong mundo ang nawalan ng trabaho dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na sa 191,000 ang ayaw pang umuwi sa bansa habang 95,000 dito ang nais bumalik batay sa kanilang datos hanggang Hunyo 18.

Maliban dito, 54,000 na ang mga nakauwing OFWS simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic kung saan 16,000 pa ang inaasahang mapapauwi ngayong Hunyo.


Matatandaang aabot sa 2.2 milyong OFWS ang naitala noong 2019 batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Facebook Comments