Mga OFW na naaresto sa Qatar dahil sa pagra-rally, hindi pababayaan ng Malacañang

Hindi papabayaan ng pamahalaan ang mga Filipino na naaresto sa Qatar dahil sa pagsasagawa ng iligal na pagtitipon o political rally noong kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nang malaman ng embahada ng Pilipinas sa United Arab Emirates na may mga Pinoy ang nahuli ay kaagad silang nagpadala ng Labor Attache para asistehan ang mga ito.

Giit ni Castro, walang sinisino ang pamahalaan kaya’t hindi mag-aatubili ang Palasyo na tulungan mga kababayan na nahaharap sa legal battle sa Qatar.

Pilipino pa rin aniya ang mga ito anuman ang kanilang kulay o political affiliation.

Sa ilalim ng Law No. 18 of 2004 ng Qatar, ipinagbabawal ang pagsasagawa ng mga kilos-protesta ng walang approval mula sa gobyerno ng Qatar.

Ang mga lalabag sa naturang batas ay posibleng madeport o makulong ng hanggang tatlong taon at magmulta ng 50,000 Riyals o katumbas ng higit ₱700,000.

Facebook Comments