Mga OFW na nais pumasok sa negosyong may kaugnayan sa agrikultura, tutulungan ng DMW

Handa ang Department of Migrant Workers (DMW) na tumulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at kanilang mga pamilya sakaling maisipan ng mga ito na magnegosyo na may kinalaman sa agrikultura.

Ito ang tiniyak ng DMW matapos ang kanilang pagpirma sa Memorandum of Understanding katuwang ang Department of Agriculture (DA) para sa pagbibigay ng kabuhayan sa mga OFW agri-preneurs na bahagi ng programa ng gobyerno.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, magandang business at investment opportunity ito na mapakikinabangan ng mas maraming Pilipino.


Sa ilalim ng kasunduan, magkakaroon ng mga entrepreneurship development training programs para sa mga OFW at kanilang pamilya at tutulungan ang mga kwalipikado para  makapagsimula ng kanilang negosyo.

Facebook Comments