Mga OFW na tinamaan ng COVID-19 sa India, makakatanggap ng tulong pinansiyal pagdating sa Pilipinas – OWWA

Makakatanggap ng tulong pinansiyal ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na tinamaan ng COVID-19 sa India kapag bumalik na ang mga ito sa Pilipinas.

Ito ang tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kung saan tiniyak din nila na mino-monitor nang mabuti ang kalagayan ng mga Pilipino sa India.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, sakaling matapos na ang travel ban at gumaling na ang mga OFW ay bibigyan sila ng cash assistance.


Sa ngayon, bukod sa India ay nakataas pa rin ang travel ban ng Pilipinas sa Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, United Arab Emirates, at Oman.

Facebook Comments