Mga OFW, prayoridad pa rin na mabigyan ng VaxCertPH

Binigyang diin ng Department of Information & Communications Technology (DICT) na nananatiling prayoridad ng pamahalaan na bigyan ng vaccine certificates ang mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni DICT acting Sec. Emmanuel Caintic na hindi dapat mangamba ang mga OFW.

Nabatid na marami pa kasi sa mga ito ang hindi makakuha ng kopya ng vaccine certificate na galing sa vaxcert.ph dahil naghahabol pa ang ilang Local Government Units (LGUs) sa pag-upload ng datos.


Ani Caintic nitong February 7 ay mas pinaganda at inayos na ang proseso ng pag-i-isyu ng vaccine certificate.

Magtungo lamang sa kanilang website na vaxcert.doh. gov.ph at piliin ang priority travel portion o kaya ay ang proof of travel o travel order at agad-agad aniya ay uunahin silang mabigyan ng vaxcert.

Facebook Comments