Rappler CEO Maria Ressa, pinayagan ng Court of Appeals na personal na tanggapin ang kaniyang award sa Amerika

Pinayagan ng Court of Appeals si Rappler CEO Maria Ressa na makalabas ng bansa para personal na tanggapin ang kaniyang award sa 2022 Woodrow Wilson sa Princeton University sa New Jersey, USA sa Sabado, February 19, 2022.

February 17 hanggang February 22, 2022 ang travel period na binigay ng Appellate Court kay Ressa.

Kahapon, February 16 sana ang lipad ni Ressa patungong Amerika subalit binigyan ng CA ng limang araw ang Office of the Solicitor General para maghain ng komento sa motion to travel ni Ressa.


Si Ressa ay convicted sa kasong cyber libel na isinampa ni businessman Wilfredo Keng noong 2012.

Facebook Comments