Saturday, November 23, 2024

Mga OFW sa Hong Kong, nagpakita ng puwet habang umaakyat ng bundok; ipinatawag ng PCG

FILE PHOTO | Image from Kelvin Yuen

Ipinatawag ng konsulado sa Hong Kong ang mga Pinay hiker na umano’y nagpakita ng puwit habang paakyat sa isang bundok sa Kowloon.

Ayon kay Consul Paul Saret ng Philippine Consulate General-Assistance to Nationals (ATN), puwedeng silang masampahan ng kaso dahil iligal ang ginawa nilang pagpapakita ng maselan parte ng katawan.

Sa ilalim ng Hong Kong’s Criminal Procedure Ordinance, maaring makulong hanggang pitong taon ang sinumang mapapatunayan gumawa ng kalaswaan sa pampublikong lugar.

Kumalat sa internet ang retrato ng mga Pilipinang sangkot sa kontrobersiya matapos itong i-post ng isang netizen sa isang kilalang Facebook group ngayong buwan.

Sa naturang paghaharap, humingi sila ng paumanhin sa konsulado at sinabing wala silang intensyong mang-iskandalo habang nasa Hong Kong.

“Don’t give Filipinos a bad name. And remember that after you are convicted and jailed here in Hong Kong, you are deported. So, you just don’t go to prison, you also lose your job,” paalala ni Saret sa mga kababayan.

“And most, if not all of us, came here to work. That should be our priority,” dagdag pa niya.

Nangako naman ang mga OFW na babalik sa kaniyang tanggapan para tuluyang ma-plantsa ang ginawang gusot.


Facebook Comments