Para kay Senator Richard Gordon, hindi lang ang 380,000 mga Pilipino sa Ukraine ang dapat kalingain ng pamahalaan.
Ayon kay Gordon, dapat ding tutukan ng gobyerno ang mga pilipino na nasa mga bansa sa paligid ng Ukraine, tulad ng Turkey, Poland at Belarus.
Diin ng senador, marapat lang na mayroong makatwirang plano ang pamahalaan para sa lahat ng Pilipino na maaapektuhan ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sabi ni Gordon, kailangan handa ang mga hakbang para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa gitna ng lumalalang sitwasyon sa Ukraine at banta ng all-out war sa Eastern Europe.
Iminungkahi ni Gordon na gawing multi-partisan ang mga programa at aktibidad na ikakasa kung saan dapat ikonsidera ang inputs mula sa lehislatura at ehikutibo at konsultahin ang mga Pilipinong apektadong ng gulo sa Ukraine.