MANGINGISDA, PATAY NANG MAHULOG SA SINASAKYANG BANGKA

Cauayan City, Isabela- Patay na ng matagpuan kahapon Pebrero 25, 2022 ang isang lalaki matapos itong mahulog sa kanyang sinasakyang bangka sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Ayon sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) madaling araw noong Pebrero 24, 2022 ng huling pumalaot para mangisda ang biktimang si Ronel Tolentino, residente ng Brgy. Sta Cruz.

Lumalabas sa ulat na bigla na lamang nahulog ang biktima sa kanyang bangka matapos hampasin ng malakas na alon at dahil sa bilis ng pangyayari hindi na nagawang masagip ng kanyang mga kasamahan.

Labis naman ang paghihinagpis ng pamilya sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay.

Facebook Comments