Mga OFW sa Qatar, walang dapat gastusin sa quarantine pagdating sa naturang bansa, ayon sa DOLE

Nilinaw ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi dapat gumastos ang mga manggagawang Pilipino na papasok ng Qatar para sa kanilang quarantine at RT-PCR test.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang naturang hakbang ay base na rin sa posisyon na ipinaabot ng Ministry of Labor Affairs ng Qatar sa pakikipag-ugnayan ng DOLE.

Paliwanag ng kalihim nakasaad umano sa abiso ng Qatar Ministry of Labor Affairs, ang employer ang sasagot sa hotel quarantine at testing pagpasok sa naturang bansa maliban na lamang kung may hiwalay silang kasunduan ng Overseas Filipino Worker (OFW).


Dagdag pa ni Bello na kung hindi umano ito ginawa ng Qatar government ay ikinokonsidera niya ang pagpatutupad ng suspensiyon sa deployment gaya nang ginawa sa Saudi Arabia.

Facebook Comments