Manila, Philippines – Naghahanda na ang mga operators ng NorthLuzon Expressway (NLEX) sa inaasahang pagdagsa ng mga taong magsisi-punta samga probinsya sa kasagsagan ng holy week.
Ayon sa NLEX, magde-deploy sila ng 800 na tellers, 500patrol personnel at 68 na sasakyan mula sa April 7 hanggang April 17.
Inaaasahan kasing papalo sa 300,000 ang bilang ng mgasasakyang dadaan sa nlex bawat araw sa kasagsagan ng holy week.
Pansamantala din nilang bubuksan ang expanded na tatlonglanes nila mula sa Barangay Sta. Rita sa Guiginto, Bulacan hanggang san FernandoCity sa Pampanga.
Maglalagay din ng mga motorist camps sa mga gasolinahanna mag-aalok ng libreng tawag, wifi acces, bottled water at towing services samga biyahero.
Maglalagay din sila ng mga karagdagang traffic signs,emergency medical services at 24-hour mechanic service sa mga nasabing gasstations.