Manila, Philippines – Inabsuwelto ng Philippine National Police – National Capital Region Police Office Internal Affairs Service sa mga pananagutan ang mga opisyal at tauhan ng Manila Police District Station 1 hinggil sa secret jail na natuklasan ng Commission on Human Rights.
Sa pagdinig ng house sub-committee on correctional reforms, nilinaw ni Senior Supt. Romeo Sta. Ana na hindi naman talaga sikreto ang lock up cell na natuklasan ng CHR.
Sa katunayan aniya, alam ng barangay chairman na nakakasakop ng MPD station 1 ang tungkol sa lock up cell na ito.
Dagdag pa nito, may nakuha rin silang mga sinumpaang salaysay mula sa pamilya ng mga nakakulong sa lock up cell na nagpapatunay na nabibisita nila ang mga ito sa nasabing kulungan.
Maging si MPD Director Joel Coronel ay alam din ang tungkol dito dahil ipinagbigay alam sa kanya ito ng hepe ng station 1 na si Supt. Robert Domingo.
Itinanggi rin ni coronel ang isyu na nakaranas ng torture ang mga nakakulong sa lock up cell.
DZXL558