Mga opisyal na itatalaga sa mga bakanteng pwesto sa CHR, pinag-aaralan na ng Malacañang

Binubusisi pa ng Malacañang ang pagtatalaga ng pinuno at mga commissioner sa Commission on Human Rights (CHR).

Ito ang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa gitna ng panawagan ng CHR na maglagay na sana ng kanilang pinuno at apat na commissioners para hindi ma-downgrade ang international accreditation ng Pilipinas.

Nitong buwan ng Mayo ay pawang nag-retiro na ang kanilang chairman at apat na commissioners kung kaya’t hindi sila makabuo ng en banc dahil maraming bakanteng pwesto.


Sinabi pa ng kalihim, hindi niya sigurado kung kailan eksaktong makapagtatalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng mga opisyal sa komisyon pero pinag-aaralan na aniya ito.

Batay sa sulat na ipinarating ng CHR sa Office of the President, iginiit nito na importante ang appointment ng mga opisyal sa komisyon para hindi maapektuhan ang international accreditation nito ngayong taon.

Dapat din anilang maging bukas ang proseso ng appointment batay na rin sa accreditation process.

Facebook Comments