Bagong panuntunan sa pagsusuot ng face mask sa mga paaralan, pag-aaralan ng DepEd at DOH

189

Pag-aaralan ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng bagong guidelines sa pagsusuot ng face mask sa mga paaralan.

Ayon kay DepEd Spokesman Atty. Michael Poa, babaguhin ng DepEd ang health protocols sa mga paaralan kasunod ng pagluwag ng paggamit ng face masks sa mga open spaces.

Dagdag pa ni Poa, kokonsulta sila DOH hinggil dito at maglalabas ng bagong panuntunan sa lalong madaling panahon.


Samantala, maglalabas naman ng datos ang DepEd hinggil sa bilang ng mga mag-aaral at guro na nagpositibo sa COVID-19 mula nang magsimula ang School Year 2022-2023.

Facebook Comments