Dalawang ahensya ng gobyerno ang nagsimula nang mag-imbestiga sa umano’y mga anomalya na kinasangkutan ng ilang elected local officials at civil servants kaugnay ng pamamahagi ng social amelioration program (SAP) cash aid sa Bangsamoro Region.
Ayon kay Minister of the Ministry of the Interior and Local Government Atty. Naguib Sinarimbo, nagpasaklolo ang BARMM sa National Bureau of Investigation (NBI) upang madetermina kung totoo ang reklamo na binabawasan nga ng ilang mga barangay official at social workers ang SAP aid na para sa mga mahihirap na apektado ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) crisis.
Ani Atty. Sinarimbo, nais ng BARMM Government na maayos ang isyu sa tulong ng NBI at iba pang investigating bodies ng gobyerno.
Ang naturang isyu ay dapat na maimbestigahan ay mabigyang linaw ayon pa kay Atty. SInarimbo.
Una rito ay may mga reklamo laban sa ilang mga barangay officials na nanghingi ng parte mula sa PHP5,000 amelioration fund na ibinigay sa mga salat sa buhay sa iba’t-ibang bahagi ng BARMM.(Daisy Mangod)
BARMM PIC for illustration only