Mga opisyal na sangkot sa ‘GCTA for sale’, agad na ipasususpinde sa itatalagang OIC ng BuCor

Tiniyak ni Justice Secretary Menard Guevarra ang suspensyon ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na sangkot sa pagbebenta ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ng mga preso sa bilibid.

 

Kasunod na rin ito ng pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating BuCor Chief Nicanor Faeldon.

 

Ayon sa kalihim, agad siyang magtatalaga ng OIC ng BuCor at ire-rekomenda ang pagsuspinde sa mga opisyal na nasa likod ng kontrobersyal na ‘GCTA for sale’.


 

Irerekomenda rin niya ang pansamantalang pag-lock up ng lahat ng mga dokumentong may kinalaman sa pag-proseso ng GCTA.

 

Bagama’t walang direktang kontrol sa BuCor, maaari pa ring i-review ng DOJ ang “quasi-judicial and regulatory functions” ng naturang attached agency nito gaya ng implementasyon ng GCTA law.

 

Samantala, pinayuhan naman ni Guevarra ang mga bilanggo na huwag mawalan ng pag-asang makalaya nang mas maaga sa ilalim ng GCTA kung sila ay hindi heinous crime convicts, recidivists, habitual delinquents at mga takas.

Facebook Comments