Mga opisyal ng bagong player sa motor taxi service, itinangging ang misis ni Sen. Koko Pimentel ang isa sa may-ari ng JoyRide PH

Itinanggi ng JoyRide motor taxi na hindi pagmamay-ari ng misis ni Senador Koko Pimentel ang bagong player sa motor ride-hailing service sa bansa.

Ito ay kasunod ng lumalabas na balita sa social media na isa umano si Mrs. Katrina Yu-Pimentel sa owner ng JoyRide sa ilalim ng kumpanyang We Move Philippines Incorporated.

Sinabi ni JoyRide Vice President for Corp. Affairs Atty. Noel Eala na mga pamilya Chua at Nubla na nasa banking and finance industry ang tunay na may-ari ng JoyRide.


Humingi rin si Atty. Eala ng paumanhin kay Senator Bong Go dahil lumutang din ang kanyang pangalan na umano’y may-ari ng kumpanya.

Pero sa gitna ng pulong-balitaan ay inamin ni Mr. Sherwin Yu, ang presidente ng kumpanya, na lumapit sila kay Sen. Pimentel para humingi ng endorsement sa Department of Transportation na maisama ang JoyRide sa nagpapatuloy na test run para sa motor taxi service.

Facebook Comments