Barangay District 3-Cauayan City, Paiigtingin ang Kampanya Para sa Tamang Paghihiwalay ng Basura!

*Cauayan City, Isabela-* Nakataktang pulungin ng mga opisyal ng barangay District 3 NG Lungsod ng Cauayan ang mga ka-barangay nito upang ipaalam ang mga alituntunin sa tamang pagtatapon at paghihiwalay sa mga basura.

Ayon kay Barangay Capt. Bagnos Maximo Jr. ng nasabing Barangay, pupulungin umano nito ang kanyang mga opisyal upang ipaalam ang bagong kautusan ng Pamahalaang Panlungsod hinggil sa bagong paraan at skedyul ng pangongolekta sa mga basura dito sa lungsod ng Cauayan.

Una rito ay mahigpit na pinaalalahanan ng Pamahalaang Lungsod ang mga Cauayenos na hindi na kokolektahin ng mga Garbage Collector ang mga basurang hindi tamang nakabuklod mula sa Di-nabubulok at nabubulok.


Ayon pa sa naturang opisyal, inatasan na rin nito ang Chairman ng Committee on Environment na makipag ugnayan sa opisina ng Waste Management Office ng Siyudad ng Cauayan upang alamin ang mga dapat sa pagpapatupad ng pinahigpit na ordinansa para sa tamang paghihiwalay ng mga basura.

Nakatakda rin umano silang magpamudmod ng mga fyers upang ipaabot ang nasabing kautusan mula sa Pamahalaang Lungsod ng Cauayan kung saan maaring pagmultahin ang mga lalabag sa nasabing ordinansa.

Facebook Comments