Mga opisyal ng barangay sa dalawang bayan sa Capiz, isinailalim sa mandatory drug test ng PDEA 6

Panit-an, Capiz – Nasa 520 na opisyal ng barangay sa dalawang bayan sa Capiz ang isinailamim sa drug test ng PDEA 6 kaninang umaga, ito ang kinumpirma ni Liga ng mga Barangay Federation President Lilia Demalata.

Ayon sa kanya, isinagawa ang drug test sa Panit-an Cultural Center kung saan nagtipon doon ang mga opisyal ng barangay mula sa bayan ng Panit-an at Pontevedra.

Pinangunahan ng PDEA 6 at PNP Crime Laboratory ang pagkuha ng urine samples ng mga opisyal.


Sinabi din nito na sa pamamagitan ng nasabing programa maipakita ng mga opisyal ng barangay na hindi sila gumagamit ng iligal na droga at seryoso ang kanilang kampanya laban dito.

Nagpapasalamat naman si Demalata na bingyan ng pansin ng mga opisyal ang pagsasailalim sa drug test kung saan nasa 100 percent ang kanilang attendance.

Wala pang ibinigay na schedule kung kalian gaganapin ang drug test sa iba pang bayan sa lalawigan ng Capiz.

Facebook Comments