Trial ng mag-amang Maute, gaganapin sa Davao City

Davao City – Kinumpirma ng Davao City Prosecution Office (CPO) na dito sa Davao City didinggin ang kaso ng Maute patriarch na si Cayamora Maute at ang tatlo pa nitong mga kasama.

Matatandaang kinasuhan ng illegal possession of firearms and explosives sila Cayamora, anak nitong si Norjannah Maute-Tingao, at mga kasama nitong sila Benzar Ali Iman Tingao, at Kongan Balawag.

Ayon kay Davao City assistant prosecutor Rizalyn Gonzales-Pontanos, na walang dapat ipag-alala ang mga Dabawenyo dahil kahit sa lungsod ng Dabaw didinggin ang kaso, hindi rin naman dito nakakulong ang mga akusado, ngunit sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.


Sinabi ni Pontanos na kung may gagawing hearing ay lilipad mula Taguig City sila Cayamora Maute papuntang Davao City, pero siguradong mahigpit ang seguridad na ipapatupad dahil sa posibleng pag rescue na gagawin ng teroristang Maute group sa kanilang lider.

Facebook Comments