Mga opisyal ng barangay sa Iligan hinimok na patuloy lang sa kanilang trabaho sa kabila ng desisyon ng kongreso na ipagpaliban ang eleksyon ngayong taon

143

Iligan City, Philippines- Hinimok ni ABC President City Councilor Cesarve Siacor ang kanyang mga kasamang kapitan sa lungsod ng iligan sa pagpapatuloy lang ng kanilang trabaho may eleksyon man o wala ngayong taon.  Ito’y sa kabila nang naging desisyon ng kongreso na ipagpaliban nila ang eleksyon ngayong taon sa susunod na taon sa buwan ng Mayo.  Sinabi ni Siacor na walang problema sa kanila kung yan umano ang magiging desisyon dahil naniniwala siyang may ipinakita namang magandang trabaho ang mga barangay officials sa lungsod ng iligan.  Kampanti si Siacor na hindi sila mapapahiya sa mga iliganon kung sila pa rin ang mamomono sa kani-kanilang mga barangay hanggang sa susunod na taon dahil sa pagpapalawig ng kanilang termino.


Facebook Comments