Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang isang mapayapa at malinis na halalan sa Mayo.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim, na sa kasalukuyan, mayroon na silang naitalang isolated incidents.
Gayunpaman, hindi pa kumpirmado kung mayroong kinalaman sa eleksyon ang mga ito.
Iniimbestigahan pa aniya ito ng mga otoridad.
Matatandaan na una nang sinabi ng PNP na isinumite na nila sa Commission on Elections ang listahan ng mga lugar sa buong bansa na posibleng maging election hotspot.
Sumasailalim na lamang ito sa validation ng komisyon.
Samantala, kaugnay pa rin sa nalalapit na eleksyon, inanyayahan din ng opisyal ang presidential candidates na tumungo sa kanilang rehiyon, at ipahayag ang kanilang mga programa at plataporma.