Flight ban ng Hong Kong sa Pilipinas at 8 pang mga bansa, pinalawig muli hanggang sa Abril

Pinalawig pa ng Hong Kong government hanggang sa April 20 ang flight ban nito sa Pilipinas at walong iba pang mga bansa.

Sa harap ito ng ikalimang wave ng COVID-19 sa Hong Kong.

Bukod sa Pilipinas, kabilang sa sakop ng flight ban ng Hong Kong ang US, UK, Canada, France, India, Pakistan, New Zealand, at Nepal.


Dismayado naman ang Overseas Filipino Workes na matagal nang stranded sa Pilipinas, maging ang Pinoy workers na nagbakasyon lamang sa Pilipinas.

Sa ngayon kasi ay nananatiling mabilis ang pagkalat ng infection sa Hong Kong.

Facebook Comments