Mga opisyal ng Brgy. 188 North Caloocan, nagpasalamat sa DZXL 558 Radyo Trabaho sa isinagawang mini job fair sa lungsod

Lubos ang pasasalamat ng mga opisyal ng Brgy. 188 North Caloocan at residente nito dahil sa patuloy na isinasagawang mini job fair ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho.

Matatandaan na nauna ng isinagawa ang nasabing mini job fair sa Pasay kung saan, daan-daang aplikante rin ang nagtungo roon, at kagaya rito may free breakfast din na inihandog ang Brgy. 188 sa lahat ng kabataan at mga nagpupunta rito.

Ayon kay Ma. Elisa Chan ang Brgy. Captain ng Brgy. 188 North Caloocan, tanging ang DZXL 558 Radyo Trabaho lamang ang nakagawa ng ganitong programang mini job fair sa kanilang lugar at aminado siyang malaking tulong ito para sa lahat ng residente lalo na ang ilan ay matagal ng gustong magkatrabaho.


Sa ngayon, patuloy pa rin naman ang ibang serbisyo dito gaya na lamang ng free hair cut ng Reyes Haircutters na lumagpas na sa 40 ang nakapag-avail, aplikante man at hindi aplikante, namamahagi pa rin ng Shield Bath Soap at Unique Toothpaste para naman sa lahat ng mga nagpaparehistrong applicants.

Samantala, nagpapasalamat naman ang DZXL Radyo Trabaho sa mga katuwang sa mini job fair na ito sa Manila Water, Reyes Haircutters, ACS Manufacturing Corporation makers of Shield Bath Soap and Unique Toothpaste sa siyam na employers at mga aplikante na mainit na sumalubong sa DZXL Radyo Trabaho.

Facebook Comments