TESDA Team na sasanay sa Pinoy skilled workers sa Saudi Arabia, dumating na sa Riyadh

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Riyadh na dumating na doon ang team ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magsasanay sa Filipino skilled workers doon.

Ang naturang team ay magsasagawa muna ng evaluation sa Filipino skills training graduates sa Saudi Arabia.

Magbibigay ng National Certificates o Certificates of Competency para sa mga papasa sa assessment.


Isasailalim din sa pagsasanay ang Pinoy caregivers at iba pang health service professionals sa Saudi Arabia.

Facebook Comments