Mga opisyal ng DMW, nakiisa sa unang taong death anniversary ng OFW na si Jullebee Ranara

Dumalo ang ilang senior officials ng Department of Migrant Workers (DMW) sa unang anibersaryo ng kamatayan ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jullebee Ranara.

Kabilang sa mga humarap sa pamilya ni Jullebee sina DMW Officer-in-Charge Hans Leo J. Cacdac at Assistant Secretary Venecio Legaspi.

Isang misa ang idinaos sa Last Supper of our Lord Parish sa Pamplona, Las Piñas at pagkatapos nito ay nagtungo ang pamilya at mga kaibigan ni Jullebee sa Golden Haven cemetery sa lungsod.


Si Jullebee ay ang OFW sa Kuwait na hinalay, pinaslang at sinunog ng 17 anyos na anak ng kanyang employer.

Ang labi ng OFW na sinasabing nagdadalantao ay natagpuan sa disyerto.

Mabilis namang naaresto ang suspek at ngayon ay nananatiling nakakulong sa Kuwait dahil sa naturang krimen.

Facebook Comments