Mga opisyal ng energy sector, ipapatawag sa pagdinig ng Senado

Ipapatawag ng Senate Committee on Energy ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE), Energy Regulatory Commission (ERC) ang iba pang concerned agencies.

Kaugnay ito sa pagnipis ng supply ng kuryente sa Luzon na nagreresulta sa rotational brownouts.

Sa pagdinig ng Senado sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na siyang Chairman ng komite na pagpapaliwagin niya ang mga ito upang malaman kung bakit nagkaroon ng problema sa kabila ng pagtiyak ni Energy Secretary Alfonso Cusi at iba pang nasa energy sector na sapat ang suplay ng kuryente sa bansa sa gitna ng tag-init.


Hihingan naman ni Gatchalian ng short-term at long-term solution ang energy sector para masolusyunan agad ang nararanasang rotational brownouts.

Matatandaang una nang inanunsiyo ng NGCP na magkakaroon ng browout sa Luzon Grid hanggang June 7 dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente.

Facebook Comments