Pangangalap ng pirma para sa umano’y pagtakbo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-pangulo, isiniwalat ng alkalde ng Guiguinto, Bulacan

346

Inamin ni Guiguinto, Bulacan Mayor Ambrosio Cruz Jr., na ilang volunteer ang nag-iikot sa Bulacan upang magsagawa ng survey na susuporta sa posibleng pagtakbo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

Ayon kay Ambrosio, kabilang sa mga opisyal na pinupuntahan ay ang mga barangay captains at iba pang lokal na opisyal.


Habang pag-aamin pa ni Ambrosio, aabot sa 17 milyong lagda ang kanilang tinatarget kung saan nasa 15 na ang nakalap sa kanilang lugar.

Itinanggi naman ni Ambrosio na naglabas sila ng kautusan kaugnay sa signature campaign.

Facebook Comments