Mga opisyal ng gobyerno na pumapalpak at nagpapabaya kaugnay sa COVID response, panahon na para papanagutin

Para kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, panahon na para tiyakin na agarang mapapanagot ang mga kinauukulang opisyal ng gobyerno na nagpapabaya at nakagagawa ng kapalpakan kaugnay sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Pahayag ito ni Lacson kasunod ng isiwalat ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na “The gov’t dropped the ball again.”

Ayon kay Sec. Locsin, bunsod nito ay nakawala ang alok na 50 milyong syringes o heringgilya na ginagamit sa pagtuturok ng COVID-19 vaccines.


Giit ni Lacson, dapat na talagang may managot kung ang ating mga health official na inatasang lutasin ang pandemya sa bansa para makabalik na tayo sa normal na pamumuhay ay nagpabaya na naman.

Ipinunto ni Lacson na nangyayari pa ang kapalpakan sa kabila ng pagsusumikap ng kanilang kapwa opisyal tulad ni Sec. Locsin na makatulong para mapabilis ang bakunahan sa bansa laban sa COVID-19.

Facebook Comments