Manila, Philippines – Oobligahin na sumakay ng pampublikong sasakyan isang beses isang buwan ang mga government officials.
Ito ay sa oras na maging ganap na batas ang panukalang ‘Government Officials Public Transportation Duty’ na isinusulong ni Quezon City Rep. Winston Castelo.
Nakasaad sa panukala na ang lahat ng opisyal ng pamahalaan mula sa mga ahensiya ng gobyerno na in charge sa transportation tulad ng Department of Transportation, Metro Manila Development Authority, Land Transportation and Franchising Regulatory Board na may designation na director pataas ay kailangang sumakay sa mga public utility vehicles isang beses isang buwan.
Inaamyendahan ng panukala ang lahat ng batas, presidential decrees, executive orders o anumang bahagi na may inconsistency sa probisyon nito.
Paliwanag ni Castelo, dapat maramdaman din ng mga opisyal ng gobyerno na napakahirap ng buhay ng commuting public na araw-araw nagtitiis sa hirap ng byahe dahil sa matinding traffic.