Mga opisyal ng Iligan, posibleng natraydor ng iilang mga private schools sa lungsod matapos sila magdeklara ng isang linggong walang pasok dahil sa banta ng seguridad

2318

Iligan City – Parang tinraydor si City Mayor Celso Regencia at iba pang opisyal sa lungsod ng Iligan sa ginawang pagkansela ng iilang private schools ng kanilang mga klase sa loob ng isang linggo dahil sa banta ng seguridad.

Sinabi ni Regencia na ginawa nila ang lahat para maprotektahan ang lungsod sa kapahapakan at halos hindi na nga sila natutulog para lang sa segurida ng mga Iliganon.

Pero hindi alam ng alkalde kung bakit nagkansela pa rin ng kanilang mga klase ang iilang mga private schools.


Ayon kay Regencia, sila sana yung nagtuturo at nagmotivate sa kanikanilang mga estudyante pero parang sila pa yung nagtulak para takukin ang mga ito hinggil sa banta ng seguridad at sitwasyon ngayon sa lungsod ng Iligan.

Dismayado si Regencia sa ginawang pagkansela ng klase ng iilang mga private schools ngayon sa lungsod ng Iligan.

Facebook Comments