Mga opisyal ng lokal na pamahalaan na mapapatunayang nagpabaya sa pagkasira ng COVID-19 vaccines, mahaharap sa kaso ayon sa DILG

Mahaharap sa kaso ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na mapapatunayang nagpabaya sa pagbabakuna noong nasiraan ng suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Kasunod na rin ito ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pananagutin ang mga local chief executives na hindi makakasunod sa pagpapabilis ng bakunahan sa bansa.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya, ibinatay ito sa Republic Act no. 7160 kung saan posibleng maharap sa kaso ang mga alkalde o pinuno ng mga departamento na makikitaan ng unjustified failure.


Tulad ito ng mga kasong Neglect of Duty, Grave Misconduct at iba pa.

Mismong ang DILG ang magsasampa ng kaso na maaaring magresulta ng pagkasuspinde o pagkatanggal sa serbisyo ng mga opisyal.

Sa kasalukuyan, wala pang naisasampang kaso kaugnay sa pagkasira ng mga bakuna o kabiguang makamit ang vaccination target.

Facebook Comments