Mga opisyal ng NEDA, DTI at DBM, ipinatawag ni PBBM para sa regular na sectoral meeting

Nagpapatuloy ang regular na sectoral meeting sa MalacaƱang na pinangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dumadalo sa ipinatawag ngayong sectoral meeting sina Trade and Investment Secretary Alfredo Pascual maging si National Economic Development Authority (NEDA) Chief Arsenio Balisacan.

Maliban sa NEDA at Department of Trade and Industry (DTI) ay kasama rin sa sectoral meeting si Budget Department Secretary Amenah Pangandaman.


Inaasahan namang magbibigay ng detalye ang Palasyo pagkatapos ng sectoral meeting kabilang na rito ang mga bagong utos mula sa pangulo para sa mga concerned government agencies na ipinatawag sa pulong ngayon sa Palasyo.

Pagkatapos ng sectoral meeting, tutungo ang pangulo sa isa nitong aktibidad sa labas ng MalacaƱang.

Ito ay ang gagawing pangunguna sa ika-122 founding anniversary ng Philippine Coast Guard (PCG).

Facebook Comments