PNP, pinawi ang pangamba ng publiko hinggil sa posibleng spillover ng kaguluhan sa Israel

Tinututukan ng Philippine National Police (PNP) ang sitwasyon sa Israel sa pagitan ng Israeli Defense Force at Palestinian militant group Hamas.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kasunod ng pangamba ng ilan na magkaroon ng spillover sa nangyayari kaguluhan sa Israel.

Ayon kay Acorda, kabilang sa binabantayan nila ang mga social media post kaugnay ng pagpapahayag ng suporta sa karahasan sa Israel.


Gayunpaman, hindi nakikita ng chief PNP ang paglulunsad ng kaguluhan sa bansa dahil nais ng mga Filipino ang kapayapaan at kaayusan.

Sa ngayon, nasa heightened alert status ang pulisya para sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at long weekend kung saan gugunitain naman ang Undas.

Facebook Comments